ni: Jerome Apilla
Tumawa ka
sa problema,
Sabi ng iba.
Tabla kayo,
Ng problema mo,
Tumatawa kayo pareho.
Pero wala siyang sugat
Ni peklat,
Ikaw ang silat.
Tatawa ka,
Ikaw ang tanga,
Problema’y maligaya.
Hindi dapat tawanan,
Dapat solusyunan
Pagkat kailangan.
Hindi makukuha
Sa pagtawa
Ang lintik na problema.
Utak: paganahin,
Katawan: pakilusin
Sa mga suliranin.
Kailangang mahagip,
Kailangang mag-isip
Hindi ang bibig.
Huwag pakinggan
Ang kasabihan,
Walang basehan.
Ikilos ang kamay
Diyan nakasalalay
Ang iyong buhay.
Marami sa ating mga Filipino ang dumaranas ng katakut-takot na problema. Mula sa kahirapan hanggang sa mga ganid na politicians. Kailangan nating kumilos at maging mapanuri, hindi lamang pagtawa sa mga nakabilad at nagdudumilat na mga problema ng ating lipunan.
Tagalog na Tula sa Tuluyan
Tula Tungkol sa Pagbabagong-Buhay
Ang tula sa tuluyan sa Pilipinas ay tinatawag din naman na free verse sa wikang English. Ang uri ng tula na ito ay hindi nagbabatay sa sukat (metering) o tugma (rhyme). Ngunit sa gitna nito, kinakailangan pa rin na magkaroon ng porma (form) at sining (poetic art). Ang tula sa tuluyan ay pangkaraniwan nang ginagamit ng mga makata upang maihatid sa kanilang mambabasa ang kanilang kaisipan sa pamamagitan ng malayang taludturan.
PAGBABAGO
ni: Nene Cristobal
Ipapatak
ang luha ng langit,
Sa bitak ng bukid,
Ibubuhos,
ang dusa ng dibdib.
Matitighaw ang uhaw
Ng pagdaralita,
At pagdurusa
Sa ligayang tunog,
Ng kulog
Na bubusog!
Mapapawi ang pagkatuyot ng labi
Ng pagkatao’t sarili,
Na lugami
Sa pagsisisi
At lalagi sa diwa
Pagbabago ng budhi.
Babasain ng mga patak,
Ang init at alab
At hihintayin ang aliwalas,
Ng langit,
At ang sakit
Na naitatak ng lupit.
Upang matanaw
Ang bahagharing nakaguhit
At nakaukit,
Sa dilim ng parisukat
Na mundong may lamat,
At hindi nasusukat!
Babangon ang lamig
Sa ligalig
Upang masakop
Ng halakhak,
Hindi ipagkakait
Pagkat sabik…
Pagkat sabik!
Paliwanag o Paglalarawan ng Tagalog na Tula:
Ipinadarama ng sumulat ng tagalog na tula kung paano niya ibig na magbago ng buhay upang makita niya ang liwanag. Nais niyang ipadama sa kanyang tula ang pagnanais na maging daan din naman sa pagbabago ng ibang tao at matulungang makabangon sa mga pagdurusa.
Ang tula sa tuluyan sa Pilipinas ay tinatawag din naman na free verse sa wikang English. Ang uri ng tula na ito ay hindi nagbabatay sa sukat (metering) o tugma (rhyme). Ngunit sa gitna nito, kinakailangan pa rin na magkaroon ng porma (form) at sining (poetic art). Ang tula sa tuluyan ay pangkaraniwan nang ginagamit ng mga makata upang maihatid sa kanilang mambabasa ang kanilang kaisipan sa pamamagitan ng malayang taludturan.
PAGBABAGO
ni: Nene Cristobal
(Tungkol sa Makata: Isang maybahay at ina ng tatlong anak na ang libangan ay ang gumawa ng tula habang nasa bahay. Mahilig ding magluto at makinig ng tugtugin sa radio.)Sa tigang na lupa,
Ipapatak
ang luha ng langit,
Sa bitak ng bukid,
Ibubuhos,
ang dusa ng dibdib.
Matitighaw ang uhaw
Ng pagdaralita,
At pagdurusa
Sa ligayang tunog,
Ng kulog
Na bubusog!
Mapapawi ang pagkatuyot ng labi
Ng pagkatao’t sarili,
Na lugami
Sa pagsisisi
At lalagi sa diwa
Pagbabago ng budhi.
Babasain ng mga patak,
Ang init at alab
At hihintayin ang aliwalas,
Ng langit,
At ang sakit
Na naitatak ng lupit.
Upang matanaw
Ang bahagharing nakaguhit
At nakaukit,
Sa dilim ng parisukat
Na mundong may lamat,
At hindi nasusukat!
Babangon ang lamig
Sa ligalig
Upang masakop
Ng halakhak,
Hindi ipagkakait
Pagkat sabik…
Pagkat sabik!
Paliwanag o Paglalarawan ng Tagalog na Tula:
Ipinadarama ng sumulat ng tagalog na tula kung paano niya ibig na magbago ng buhay upang makita niya ang liwanag. Nais niyang ipadama sa kanyang tula ang pagnanais na maging daan din naman sa pagbabago ng ibang tao at matulungang makabangon sa mga pagdurusa.
Alaala ng Nakaraan
ni: Naty Martinez
Mga nakaraang kay sarap balikan
Masasayang araw noong kamusmusan
Akala mo lagi walang katapusan
Kaligayahan ay di na mapaparam.
Sa may tabing-dagat, kami'y naglalaro
Buhanging kay puti paa'y tinatago
Para bang ang lungkot doon ay kay layo
Paraisong tunay wala ng siphayo.
Doon ay may tulay na dinadaungan
Ng mga sasakyan na galing sa guiuan
Yari man sa kahoy matibay din naman
Sapagka't binuo sa pagtutulungan.
Dito rin sa tulay ay merong rituwal
Lalo't bakasyon ng mga kabataan
Pagkakatapos ay tinutulak nalang
Libre na sa langgas wala ng gamutan.
Ang tubig sa talon pagkaganda-ganda
Sa tuwing maliligo doon nagpupunta
Mga taga baryo doon naglalaba
Sagana sa tsismis pagkasaya-saya!
Pag naiisipang kumain ng buko
Yakag ang barkada sa niyugan ang tungo
Bitbit ang asukal,itak at kutsilyo
Doon maghahanap aakyating puno.
Pagkasaya-saya ng buong barkada
Panay na babae pag-akyat di kaya
Pinipilit pa ring umakyat ang isa
Hanggang magtagumpay buko'y malaglag na.
Madalas mangyari ay puro tawanan
Pag bukong napitas wala palang laman
Aakyat na muli kahit magasgasan
Bukong ninanasa dapat na matikman.
Ang masaklap nito pag-uwi sa bahay
Baka may pamalo na hawak si nanay
Yon palang asukal na aming tinangay
Panghalo sa suman ang sabi ng tatay.
Di baleng mapalo nasiyahan naman
Nakaw na asukal kay tamis din naman
Barkadang kay kulit na napagalitan
Nagkatinginan lang at nagkatawanan.
Pagka sarap-sarap na balik-balikan
Mga karanasan noong kamusmusan
Dulot na ligaya di kayang pantayan
Lalagi sa isip kahit tumanda man…
"Welga"
ni: Ariana Trinidad
Dadaanin sa sigaw,
Ang bulong ng utak,
Sa simulaing naligaw,
Malalim din ang babaw!
Sa kalsada ibabandera,
Mga watawat ng pagdurusa,
Laban ng kasama,
Ipakikibaka!
Ang pait sa damdamin
Ay tamis na gagamitin
Upang makapiling
Ang minimithing lilim.
Ang diwa ng unyon,
May pusong lilingon
Makakasumpong
Ng dakilang panginoon!
Huwag kalimutan
Ang pakikipaglaban
Ay hindi sandigan
Para sa sariling kapakanan!
"Sa Aking mga Magulang"
ni: Jerome Apilla
Kayo ang dahilan ng aking hininga
Ako ay nabuo sa inyong kalinga,
Pag-ibig na wagas, totoo’t dakila,
Ang siyang nagbigay ng lakas ko’t sigla
Hinubog ang aking damdamin at diwa,
Kasama ko kayo sa ngiti ko’t luha.
Sa aking pagtulog sa gabing madilim,
Nagbabantay kayo hanggang sa mahimbing,
Hindi hahayaang lamok ay kagatin,
Pati na ang init, pilit papawiin,
At kung ako ma’y tuluyang magising,
Nakangiti kayong sasalubong sa akin.
Hindi nga maliit ang sakripisyo n’yo.
Simula nang ako’y maging isang tao,
Kaya naman ako’y may mga pangako
Mga utos at hiling ay susundin ko,
Igagalang kayo at irerespeto,
At mamahalin sa buong buhay ko!
Bulatlat
ALEXANDER MARTIN REMOLLINO
Ang pader ko’y di lamang malamig at malagkit,
Nakakwadro rin dito ang latay ng pasakit.
Ang sahig ko’y di lamang marumi at maganit,
Nakaratay din dito ang tisikong inip.
Ang rehas ko’y di lamang kalawang ang galis,
Naglangib na rin dito ang paglayang nais.
Wisikan ng tula ang langib ng paglaya!
Wasakin, wasakin ang rehas na sutla!
Wakasan, wakasan ang salot ng pagdusta!
Bumangon sa dilim na ngitngit ang tanglaw!
Banggain, banggain ang pader na ampaw!
Banggain ang karsel na pagtakas ang hiyaw!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento